Thursday, August 27, 2009

Farewell ET!

Who would have thought na minsan sa buhay natin kelangan nating magpaalam sa isang taong parang nakasama na natin ng mas matagal pa. Nung nagsimula ako sa trabaho, ilang buwan din akong sumasama sa ibang grupo sa office, well mga group din sila ng newbies and mababait sila at mga masaya kasama. Pero makalipas ang ilang buwan, sunod sunod ng dumating ang mga newbies ng ibang team (medyo marami rami din man kasi ang nag resign sa amin noon). dumating si allen, patrese, janine, and c ericka(aka ET) tapos c chris, gnet and etc. Pero ang sentro ng blog entry kong to eh kay ET.

Why is she called ET??
-Well, her name is Ericka Tolentino.. Hence ET

So to continue...

Nagsama kami nila janine, Et, and chris. We formed our own group sa office. halos 1 year mahigit din kaming magkasama and until now. Marami na rin mga sikreto akong na share sa knila and sila din sakin. Pag kelngan ko ng makakausap o ng sandalan andyan sila para makinig at makiramay. Kung nagkamali ka, sasabihin nila na mali ka at hindi sila magkukunwaring ok lang ang ginawa mo. To sum everything up, masaya kaming lahat pag magkakasama kami.

Pero siyempre, may mga bagay na hindi natin maiiwasan sa trabaho; at yun ay ang pag reresign ng ating mga kasamahan. Bukas na ang last day ni ET as an Indra Employee, lilipat na siya sa isang kumpanya kung saan alam naming mag ggrow siya and doon marami siyang matutunan. Malungkot kami sa pag alis niya and we've been trying our best na matulungan siya sa hinaharap niya sa Indra bago pa man siya mag resign, pero wala talaga eh... hindi umubra yung mga ginawa namin.

Though her days in Indra is about to end in a few hours time, but our friendship will still remain. We will be missing her so much and life in the office without her is hard (dahil isa siyang maingay na babae hehe.)

Para kay ET, masaya kami sa mangyayari sa career mo and mahal na mahal ka namin. :)